Tuesday, September 29, 2009

small ways to help

maybe you would like to help the victims in the Philippines of Ondoy but you're finding difficulty sending your monetary help, here are some ogranizations that accepts donations via credit card or paypal:

http://www.gk1world.com/give.html
http://www.kerygmafamily.com/modules/subscriber/donationsondoy.php
http://www.redcross.org.ph/Site/PNRC/wtd.aspx
http://www.google.com/landing/typhoon-ondoy.html

may you be blessed hundredfold more!

link to typhoon ondoy's aftermath photos (link copied from Bro. Bo email): http://fiveprime.org/hivemind/Tags/ondoy

Wednesday, September 16, 2009

k, layuan mo ako!

tuwing sumasapit ang ganitong panahon na walang nakatakdang gawain para sa akin sa pinapasukan ko, palaging nasa likod ng upuan ko si katamaran!

ano ba to... tuwing walang gawain, mas lalong mahirap gumawa.
alam mo kung bakit?
kasi pag wala kang gagawin, hindi mo malalaman kung tapos ka na!
diba? nakakaloka.

hindi ata nababagay etong nahiram kong larawan patungkol sa katamaran :D

kahapon nga pala, ika-40 araw ng pag-alis ni tatay.
nanalangin kami sa bahay. sa pinas din, nagdasal sila sa bahay at nagpamisa.

kanina, nanaginip ako. sabi ni tatay, nag-aalala daw sha sa akin.
ikaw talaga tatay, lagi mo akong inaalala.
wag ka na mag-alala. talagang maayos naman ako :)
hindi ako pinababayaan ng napakabait kong kabiyak.
tuwing naaalala kita at napapaluha ako, andyan sha at pinalalakas ako :)

isa pa.. may nalalapit na pagtatanghal dito sa japan si beyonce ngayong oktubre.
dadalo ka ba?
kami, oo!
ang black eyed peas meron din, pero mas gusto makita ng asawa ko ang mga mahahabang hugis ng binti ni beyonce :D

Wednesday, September 09, 2009

suki ka ba?

All 187 Pepper Lunch restaurants closed after food poisoning

(http://www.japantoday.com/category/national/view/pepper-lunch-restaurants-nationwide-closed-after-food-poisoning)

Ang asawa ko suki nila... tsk tsk...

Tuesday, September 08, 2009

sabi mo

sabi mo, ihulog kita sa tulay e palagi ka pakarga (nun bata pa ako)...
sabi mo, hati na lang tayo sa kendi eto lang barya ko e (nun maliit na maliit na bata pa ako)...
sabi mo, putris na eto at nanagot na sa akin...
sabi mo, sabado na kalbuhin mo na ako...
sabi mo, sa isang araw papasyal ako akayin mo ako ha...
sabi mo, ingat ka, ingat ako...
sabi mo, ako ang bespren mo...
sabi mo, may puto dyan tira ko sayo ...
sabi mo, o wag kang magpapagabi delikado...
sabi mo, kelan ba ang uwi mo?...
sabi mo, bili mo ako ng siopao sa sweldo ha...
sabi mo, wag mo paputol buhok mo tulad din sa mga kapatid ko...
sabi mo, wala pa ba akong apo?...
sabi mo, jean garcia ang ipangalan natin sa aso...
sabi mo, pabakuran na natin ang bahay para makatakbo c jean sa labas...
sabi mo, mahabang mahaba ang buhay mo...
sabi mo, hihintayin mo uwi ko sa pasko...
sabi mo, pag wala ako walang nag-aalaga sayo...
sabi mo, wag ako umalis nun huling nagkita tayo...

hanggang ngayon... gabi gabi namimiss ko ang mga bagong dapat na sabi mo...
kaso umalis ka na... nagpahinga ka na, pagod ka na...

dibale lahat ng mga dating sinabi mo, dito lang sila sa puso at isipan ko.
bahagi na sila ng buhay ko :)

tatay, ingat ka... ingat ako.

Wednesday, September 02, 2009

itim

pinalitan ko ang kulay nitong blog ko.
ginawa ko munang itim.
bakit kaya itim ang kulay ng kalungkutan?

kaya ba maitim ang langit pag uulan na?
kaya ba madilim pag wala ng liwanag at gabi na?
kaya ba itim ang kulay ng pasa pagkatapos ng pagkabangga?
kaya ba itim ang ang kulay ng libag pag nakuskus na?
kaya ba itim ang kulay ng tubig pag maputik na maputik na?
kaya ba madilim ang paningin mo pag nahihilo ka na?
kaya ba itim ang white heads mo pag black heads na?
kaya ba itim ang suot ko tatay nun umalis ka?

hanggang ngayon namimiss pa din kita.

-----------
sa mga ilang nakakabasa ng blog ko, paumanhin po muna at puro malulungkot ang nasusulat. umaasa ako na mga ilang araw lang ay mapapalitan na ang itim na kulay ng paligid.

ikaw kamusta ka naman?